Sabado, Hunyo 14, 2025

WALANG JO NAMAN


"May hit ka!" Bulong ni SC sa iyo

Kapag nalaman ng Coach mo

"Walang Jo naman!", kunot noo

"Kaya di pumapasa scores nyo!"


Pagkarinig mo ng ganun

Para ka na nalunod sa balon

Nagsusumikap umahon

Pero mga sigaw nya, ika'y ikakahon


Lalamunin ka na ng buhay

Di mo na magawang kumaway

Dahil nagmumukha siyang kaaway

Ng mga ahenteng pasaway


Saan nga ba dadalhin

Ang wikang napakadiin

Walang Jo, kapansin-pansin

Pati ibang team napapatingin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento